Barangay Bagong Silangan sa QC, maghihigpit sa quarantine; kaso ng COVID-19 dumarami | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay Bagong Silangan sa QC, maghihigpit sa quarantine; kaso ng COVID-19 dumarami

Barangay Bagong Silangan sa QC, maghihigpit sa quarantine; kaso ng COVID-19 dumarami

ABS-CBN News

Clipboard

Isang tauhan ng Quezon City task force ang nagpapatrolya sa Brgy. Bagong Silangan nang magpatupad ng hard lockdown noong May 4, 2020. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Maghihigpit ng quarantine restrictions sa Barangay Bagong Silangan sa Quezon City simula Lunes matapos ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 doon at sa mga kalapit na barangay, ayon sa kanilang chairman.

Base sa inilabas na notice ng pamunuan ng barangay, ibabalik nila ang pagpapatupad ng quarantine pass simula sa Marso 15.

Tanging ang mga may quarantine pass lang ang makalalabas ng kanilang mga bahay mula alas-5 ng umaga hanggang alas-12 tanghali at alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dagdag pa ng anunsyo, kailangan na rin sundin ng mga residente ang number coding sa kanilang quarantine passes.

ADVERTISEMENT

Ang mga may pass na nagtatapos sa 1, 3, 5, 7, 9 ay papayagang makalabas tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Samantalang ang mga nagtatapos sa numerong 2, 4, 6, 8, 0 ay papayagan lumabas tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Maliban sa quarantine pass, muling ipagbabawal sa kanilang lugar ang mga mass gatherings kahit daw sa loob ng tahanan. Bawal din ang inuman sa loob at labas ng bahay liban kung ang pamilya lamang ang magkakasama.

Bawal din lumabas ang mga kabataang edad 15 pababa.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Willy Cara, inisiyatibo nila ito dahil dumarami daw ang kaso ng COVID-19 hindi lang sa kanilang barangay pero pati na rin sa mga katabing Barangay ng Commonwealth at Batasan.

"Nasa 30 na po ang mga kaso namin ngayon. Kapag naman nakita namin na bumubuti, pwede namin i-lift matapos ang 2 linggo," paliwanag ni Cara.

Patuloy na nakapagtatala ang Pilipinas ng record-high na bagong COVID-19 cases nitong mga nakaraang araw, kung saan karamihan ay galing sa Metro Manila.

Nagbabala ang OCTA Research group na dapat magpatupad muli ng mas mahigpit na panuntunan ang mga LGU para maiwasan ang pagkalat pa ng virus at maiwasan ang pagkapuno ng mga ospital.

- Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.