Bangkay ng lalaking sangkot umano sa droga natagpuan sa Caloocan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangkay ng lalaking sangkot umano sa droga natagpuan sa Caloocan

Bangkay ng lalaking sangkot umano sa droga natagpuan sa Caloocan

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Natagpuang patay ang isang lalaki na nakagapos ang paa at nakatakip ang mukha sa Caloocan nitong Biyernes.

Makikita sa CCTV na dumaan ang isang sasakyan sa Francisco Street sa Barangay 75. Huminto ito at bumaba ang ilang sakay nito, at binuksan nila ang likurang pinto, tila may kinuha at itinapon sa kalsada. Makikita rin ang isang kotse at motorsiklo sa likuran.

Pag-alis ng mga sasakyan, naiwan na ang bangkay ng lalaki sa gitna ng kalsada. May plastic ang mukha nito at nakatali pa ang mga paa.

May iniwan ring karatula na nagsasabi: "Tulak ako. Wag tularan. Susunod na kayo!!!"

ADVERTISEMENT

Ayon sa kapitan ng barangay na si Augusto Nadal, kilala nila ang biktima dahil kakalipat lang nito umano sa barangay at dati nang nakulong.

"Dumating 'yan dito sa amin, pina-imbestigahan ko na. Dating nakulong. Nung lumipat siya diyan, pinabantayan ko na dahil sa ilegal na gawain," ani Nadal.

Nakikita rin aniya sa barangay na may mga katransaksyon ang lalaki at hinala nila nagbebenta ito ng droga.

"Talagang positive nagbebenta," giit ng kapitan.

Hindi pa matukoy ang rason sa pagpatay sa biktima at kung sino ang mga salarin. Inaalam rin kung kasabwat ba ang ibang sasakyan na nakita sa CCTV.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.