PatrolPH

Babae patay sa pananaksak sa Davao del Sur; suspek arestado

ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2021 04:28 PM

Patay sa pananaksak ang isang 19 anyos na babae sa Barangay Zone 2, Digos City sa Davao del Sur, Huwebes ng hapon.

Natagpuan ang bangkay ni Xena May Cabaid sa bahay ng suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakita ng isang saksi ang suspek na pauwi sa bahay nito na duguan.

Pinuntahan umano ng saksi ang lalaki sa kanyang bahay at napansin na lasing ito habang nakaupo sa sofa.

Ayon sa pulisya, nakita rin ng saksi ang bangkay ng biktima sa kusina ng bahay ng lalaki.

Agad na nahuli ang suspek at nakumpiska rin ang kutsilyong ginamit nito sa krimen.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente para mabatid ang motibo sa krimen.

Isasailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima habang inihahanda naman ang kasong kriminal laban sa suspek.


- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.