PatrolPH

Binatilyo, patay sa pananaksak sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jan 20 2021 01:46 PM

Binatilyo, patay sa pananaksak sa Iloilo 1
May saksak ang biktima nang matagpuan sa gitna ng kalsada sa Pavia sa Iloilo. Larawan mula kay Ralph Mosqueda

Isang binatilyo ang natagpuang patay sa gitna ng kalsada sa Barangay Pagsanga-an sa Pavia, Iloilo, Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa awtoridad, may mga saksak ang 17-anyos na biktima na residente ng Barangay Cabugao sa naturang bayan.

Sabi ng pulisya, tuwing malalasing ang biktima ay naghahanap ito ng away sa lugar.

Mayroong dalawang person of interest ang pulisya hinggil sa krimen, bagaman patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

- Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.