P700,000 ilegal na tabla nakumpiska sa Isabela

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Mar 13 2019 01:14 PM

Iniinspeksyon ng pulis ang mga ilegal na tablang nakuha sa Isabela. Larawan mula sa Cagayan Valley police

ILAGAN, Isabela -- Nakumpiska ang nasa P700,000 halaga ng 1,000 ilegal na tabla sa lungsod na ito, Martes. 

Ilan sa mga ito ay karga ng trak na naharang ng mga pulis sa Barangay Namnama, ani Isabela police chief Col. Mariano Rodriguez. 

Wala aniyang naipakitang dokumento ang driver at pahinante ng trak. 

Natunton naman ng mga operatiba kinalaunan ang compound na pinag-iimbakan ng iba pang ilegal na kahoy, kung saan nakumpiska ang 2 electric saw at generator. 

Naaresto ang 8 indibidwal sa operasyon, subalit napag-alamang 2 sa mga ito ay menor de edad kaya mapupunta sila sa kustodiya ng social welfare department. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.