Bata nagtamo ng mga paso sa sunog sa Makati | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata nagtamo ng mga paso sa sunog sa Makati

Bata nagtamo ng mga paso sa sunog sa Makati

ABS-CBN News

Clipboard

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Comembo, Makati, Marso 12, 2023. ABS-CBN News
Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Comembo, Makati, Marso 12, 2023. ABS-CBN News

Nagtamo ng mga paso ang isang bata sa sunog na tumama sa isang residential area sa Makati City nitong Linggo, kung saan tinatayong aabot sa P6 milyon ang halaga ng pinsala, ayon sa mga awtoridad.

Pasado alas-4 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog na nakasapul sa 12 magkakadikit na bahay sa Barangay Comembo.

Ayon sa mga residente, nag-outing ang mga nakatira sa bahay na pinagmulan ng sunog at may naiwang bukas na ilaw.

Mabilis din umanong kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

ADVERTISEMENT

Nagtamo naman ng second-degree burn ang isang 8 taong gulang na lalaki habang tumatakbo palabas ng compound, ayon kay Senior Fire Officer 4 Jaime Macababayao.

Bandang alas-6 ng umaga na nang maideklarang fire out ang apoy.

Sa inisyal na pagtataya, aabot sa P6 milyong halaga ng ari-arian ang natupok.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

Nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na tiyaking nakapatay ang mga appliance at walang naiiwang nakasaksak bago umalis ng bahay.

— Ulat ni Karen de Guzman, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.