Patrol car pinasabugan sa Iloilo, 1 sugatan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol car pinasabugan sa Iloilo, 1 sugatan

ABS-CBN News
Published Mar 12, 2021 03:59 PM PHT

Sugatan ang isang pulis matapos pasabugan ng improvised explosive device ang kanilang patrol car sa Barangay Pughanan sa bayan ng Lambunao, Iloilo, Biyernes ng umaga.

Natamaan ng shrapnel sa kaliwang kamay si P/MSgt. Christopher Losbañez na nakasakay sa unahan ng back-to-back patrol car.

Si Losbañez ay kasapi ng Lambunao Police.

Papunta sana sa Barangay Panuran ang mga pulis para mag-imbestiga sa nangyaring engkuwentro noong Huwebes ng hapon nang tambangan at pasabugan ng IED ang kanilang sasakyan.

Mabilis naman na rumesponde ang mga naka-deploy na sundalo sa kalapit na mga lugar at nagkaroon pa ng bakbakan na tumagal ng halos kalahating oras.

Wala pang naiulat na nasawi o nasugatan sa patuloy na clearing operation.

Inaalam pa ng awtoridad kung iisang grupo lang ng mga rebelde ang responsable sa magkasunod na pag-atake sa tropa ng gobyerno.

- Ulat ni Nony Basco
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT