Bahay inararo ng kotse, 1 sugatan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bahay inararo ng kotse, 1 sugatan
Bahay inararo ng kotse, 1 sugatan
ABS-CBN News
Published Mar 12, 2021 05:38 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Isa ang sugatan matapos na araruhin ng kotse ang isang bahay sa Barangay Lantangan, Pontevedra sa Capiz, Huwebes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, patungong Roxas City ang pribadong kotse nang makasalubong ang isang sasakyan na naka-high beam ang ilaw.

Nasilaw umano ang driver sa ilaw at tuluyang bumangga sa bahay.

Dumiretso ang sasakyan sa loob ng bahay at naipit ang 14-anyos na residente nitong kasalukuyang nag-aaral ng kaniyang modules.

Agad na dinala sa ospital ang estudyante at patuloy pang ginagamot ito.

Wala namang planong magsampa ng kaso ang pamilya ng estudyante laban sa driver ng pribadong sasakyan na handang sagutin ang pagpapagamot ng biktima sa ospital.

- Ulat ni Rolen Escaniel
- Ulat ni Rolen Escaniel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT