TINGNAN: COVID-19 test kits na likha ng mga Pinoy scientist | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: COVID-19 test kits na likha ng mga Pinoy scientist

TINGNAN: COVID-19 test kits na likha ng mga Pinoy scientist

Kristine Sabillo,

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Ipinakita ng mga Pinoy na doktor at scientists nitong Huwebes ang bagong gawang test kits para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang test kit ay dinevelop ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH).

Ayon sa scientist na namuno sa pagdisenyo nito, mapapadali nito ang pagsasagawa ng mga test lalo’t dumadami ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mas mura din ito kumpara sa imported kits na gamit ngayon ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Kaya rin gawin ito nang maramihan.

ADVERTISEMENT

"This week we can do 1,000 tests. Next week nasa 2,000. Third week 3,000 hanggang sa full scale capacity. Kasi 'yung ating manufacturing has a robotic manufacturing unit," ani Dr. Raul Destura, deputy executive director ng Philippine Genome Center.

Ayon sa mga eksperto, makatutulong itong mabigyan ang maraming tao ng tsansa na ma-test para sa COVID-19.

"We democratize access. We will be able to identify as many cases as possible," sabi ni Destura.

"Ang kagandahan niyan may mga lugar kasi na walang test na ginagawa... Iyong mga lugar na iyon makikita na mako-cover na," sabi naman ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña.

Ayon kay Dela Peña, makatutulong rin kapag nalaman ng mga tao na konti lang naman ang kaso talaga ng COVID-19 kumpara sa mga taong nagpapa-test.

Ang mismong kit, maliit lang na kahon na merong 3 lalagyan.

Ang mapulang vial, may lamang probe o iyong kemikal na kumakapit sa virus ng COVID-19.

Ang isa pang vial ay may lamang reagent. Ito ang tinitimpla sa sample na galing sa pasyente para maihiwalay ang genetic material na siyang ite-test.

Ang pangatlo naman ay molecular grade na tubig na gagamitin rin sa test sa tulong ng Polymerase Chain Reaction machine sa mga laboratoryo sa Pilipinas.

Dalawang oras lang ang test pero dadaan pa ito sa batch testing at iba pang proseso kaya aabutin pa rin nang isang araw bago makuha ang resulta.

Sa Philippine Genome Center gagawin ang gene sequencing para sa mga positibong kaso ng COVID-19.

Ang gene sequencing ay pagkumpara kung ang partikular na virus na meron ang isang pasyente sa Pilipinas ay tulad ng sa ibang bansa gaya ng Tsina, Italy o South Korea.

Ngayong may certificate of exemption na mula sa Food and Drug Administration ang test kit, kailangan na lang nitong dumaan sa field testing na tatagal nang 2 hanggang 3 linggo.

Dadaan ulit ito sa review ng FDA.

Kung maaprubahan, puwede na itong ibenta at i-distribute sa mga pasilidad na may kakayanang gawin ang test.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.