Obra ng Pinoy artists tampok sa DFA 2023 calendar | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Obra ng Pinoy artists tampok sa DFA 2023 calendar

Jofelle Tesorio | ABS-CBN Europe News Bureau
Published Mar 11, 2023 09:04 PM PHT
|
Updated Mar 14, 2023 12:30 AM PHT

BRUSSELS - Tampok sa 2023 calendar ng DFA na ‘Juan and Culture’ ang mga obra ng ilang Filipino artists. Makikita sa kalendaryo ang guhit tungkol sa kababaihan, kagandahan ng Pilipinas at ang mayamang kultura nito.

Ipinagmamalaki rin sa kalendaryo ang angking talento ng mga Pilipino. Kabilang dito ang mga likha ng Belgium-based artists na sina Anna Beth Santilla at Gerardo Crisostomo na mas kilala sa bansag na The Color-Blind Artist. Limang clay art ni Crisostomo ang napabilang: ang Bahay Kubo, Bohol, Harana, Palayok at Penitensya.

Sinasalamin naman ng ‘Harvest Festival’ painting ni Santilla ang pagbibigay pugay ng pamilya sa Panginoon para sa masaganang ani sa buong taon.

"Maraming salamat sa embassy dahil nabibigyan kami, bilang artists, ng pagkakataong mag-expose o mag-exhibit ng ating mga gawa na may kaugnay sa Philippine art and culture,” sabi ni Anna Beth Santilla, Pinay artist.

Sa pagdiriwang ng National Arts Month ngayong Marso, kabilang din sina Santilla at Crisostomo sa mga kinilala ng DFA sa ilang serye ng video na inilunsad sa Facebook page ng ahensya. Pinamagatang "Ani ng Sining, Bunga ng Galing," tampok din sa DFA calendar ang iba pang Pinoy artist na naka-base sa Laos, Vietnam, Saudi Arabia, Cambodia, Vatican, Czech Republic, Hongkong, Spain, Bahrain at Singapore.

Isa itong patunay ng nag-uumapaw sa husay at talento ng mga Pinoy saan man sa mundo.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Belgium sa TFC News sa TV Patrol.
PANOORIN ANG VIDEO:
(Video courtesy of The Philippine Embassy in Belgium)
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT