TIPS: Mga hakbang para makatipid sa gasolina, kuryente | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TIPS: Mga hakbang para makatipid sa gasolina, kuryente

TIPS: Mga hakbang para makatipid sa gasolina, kuryente

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Panay ang pagbibilang ni Jesus Domingo sa kaniyang kita ngayong araw bilang taxi driver.

Hindi siya makapaniwala na lumiliit na lang ang kaniyang kita dahil sa taas ng presyo ng gasolina.

Dati, sa kalahating araw, umaabot siya ng higit P1,000 ang kita. Ngayon, nasa P600 na lang.

"Dati pag nag-ikot-ikot kami, marami pasahero, ngayon mag-ikot ka mahal gasolina, bumalik ka na lang sa paradahan mo para makatipid," ani Domingo.

ADVERTISEMENT

Si Mabil Capila na nagbebenta ng halo-halo, nagtitipid na rin gaya ng pagbabawas ng gamit ng washing machine sa harap ng inaasahang taas-presyo sa konsumo ng kuryente.

May tips ang isang transport expert na si Leandre Grecia, na editorial assistant ng Top Gear Philippines, para makatipid sa gasolina.

Una, iwasan ang mabigat na pagtapak sa silinyador. Iwasan din aniya ang pag-idle kung may hinihintay at mas maiging patayin ang makina ng sasakyan.

Dapat ding planuhin ang biyahe at ruta at umalis nang maaga.

"Maganda rin na iplano nang maayos ang ruta para puntahan mo, point ABC, sunod-sunod mo mapuntahan, pauwi sa inyo, maganda, efficient sa gasolina at efficient sa oras," ani Grecia.

Makakatulong din aniya sa pagtitipid ang regular na pag-check ng oil, gulong, makina, brakes at iba pang parte ng sasakyan dahil mas mahal kung maaksidente.

Ayon naman sa Manila Electric Company (Meralco), makakatulong ang pag-check ng ginagamit na appliances kung wasto ba itong gamitin.

Sa air condition, halimbawa, dapat swak ang laki nito sa laki ng kuwarto.
Dapat ding linisin ang filter ng air condition kada dalawang linggo.

Huwag din daw lagyan ng masyadong maraming laman ang refrigerator dahil baka mabara ang air vent.

"Summer na, mas mainam handa tayo sa pag-manage ng consumption. Kapag summer kasi mga appliance lalo na motor, nagtatrabaho nangg husto because summer heat overworks compressors," ani Meralco Chief Commercial Officer Ferdinand Geluz.

-- Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.