Pamimigay ng P6,500 fuel subsidy ng mga tsuper kasado na sa susunod na linggo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pamimigay ng P6,500 fuel subsidy ng mga tsuper kasado na sa susunod na linggo

Pamimigay ng P6,500 fuel subsidy ng mga tsuper kasado na sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Kasado na sa susunod na linggo ang pagpapamahagi ng P6,500 na fuel subsidy sa mga driver ng pampublikong sasakyan, sa harap ng serye ng mga taas-presyo sa langis.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Executive Director Maria Kristina Cassion, kukunin na ng transportation department ang pondo ngayong Biyernes.

Dahil dito, puwede na aniyang mapondohan ang fuel cards ng mga jeepney driver sa susunod na linggo.

Nagpapatuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa interior at trade departments para matukoy ang iba pang benepisyaryo gaya ng tricycle at Transport Network Vehicle Service (TNVS) drivers.

ADVERTISEMENT

Ang Department of Agriculture naman ang bahala sa P500 milyong pondo para sa fuel subsidy ng mga magsasaka.

Vouchers ang ibibigay sa kanila sa pamamagitan ng Development Bank of the Philippines.

"Pupunta po sila doon sa mga tinalaga ng Landbank na branches para mag-process ng kanilang fuel cards dahil fuel cards po talaga ang ating mode. Hindi po kasi ito cash subsidy, fuel subsidy po talaga. Doon sa card ilalagay ang plate number ng mga pampublikong sasakyan," ani Cassion.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.