Mas maraming medical waste napansin sa Batangas dive sites | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mas maraming medical waste napansin sa Batangas dive sites

Mas maraming medical waste napansin sa Batangas dive sites

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 12, 2021 01:28 PM PHT

Clipboard

Nababahala ang divers sa dumadaming medical waste na kumakapit sa mga coral reef sa katubigan ng Anilao, Batangas. Retrato mula kay Mark Badiola

Ang makapukaw-damdaming underwater experience ang binabalik-balikan ng mga diver sa Anilao, Batangas.

Pero ang dating saya'y nahahaluan na ng panghihinayang dahil sa mga nilulumot na face mask na sumabit na sa mga coral reef.

Ayon sa diver na si Mark Badiola, taunang nagsasagawa ang kaniyang grupo ng clean-up driver sa Anilao at napansin nilang dumami ang mga non-biodegradabale medical waste ngayon kompara noong nakaraang taon.

"Three months ago, hindi pa masyado, pero now it’s being more and more visible. We’re seeing it everywhere na in the dive sites in Anilao," ani Badiola sa panayam ng ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

"In Anilao alone, I think there’s over 200 dive sites and when we took the video, we just did two dive sites, and there are so many masks in two dive sites so just imagine 'yong mga dive sites na hindi pa namin napupuntahan," dagdag niya.

Nababahala at nalulungkot umano ang mga diver na maaari pang mas lumala ang problema sa basura sa karagatan.

"Nakaka-guilty siya and sad at the same time kasi ano na lang 'yong makikita ng future generations 'pag ganito 'yong situation natin ngayon?" sabi ng diver na si Shala Caliao.

Nagpaalala ang environment group na Greenpeace na hindi lang marine life ang apektado sa mga basura sa ilalim ng dagat kundi pati ang mga tao.

Pangmatagalan din umano ang epekto nito.

"When they break down, it can actually end up being microplastics na makakain ng mga isda or other marine creatures, and that enters our food chain," paliwanag ni Marian Ledesma, zero waste campaigner mula sa Greenpeace Philippines.

Kaya nanawagan din ang grupo sa publiko na kung hindi naman laging exposed sa virus tulad ng mga health care worker, gumamit na lang ng reusable mask.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon naman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), inasahan na nilang dadami ang medical waste lalo na ngayong dumadami na naman ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Aminado rin ang ahensiya na nasa disposal ng mga basura ang problema.

"Dito sa Metro Manila ‘yong mga urban areas natin, mayroon tayong mga facility wherein puwede nating i-treat at i-dispose itong mga facemask, but in other areas like mga probinsiya, wala naman silang facility diyan," sabi ni Environment Undersecretary Jonas Leones.

Puwede naman daw irekomenda ng DENR na reusable o cloth mask na lang ang gamitin ng publiko pero hindi nila ito kayang gawing mandatory.

Nagpaalala rin ang ahensiya na responsibilidad ng mga local government unit (LGU) na tiyaking may proper segregation at waste disposal, lalo na ng medical waste.

Kung hindi ay maaaring panagutin umano sa batas ang mga LGU.

-- Ulat ni April Rafales, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.