Lalaki patay sa pamamaril sa Quezon City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki patay sa pamamaril sa Quezon City

Lalaki patay sa pamamaril sa Quezon City

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 11, 2021 07:09 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Dead-on-the-spot ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin sa Brgy. Sauyo, Quezon City Miyerkoles ng gabi.

May tama ng bala sa ulo ang 23-anyos na biktima na si Marvin Valencia.

Ayon sa mga residente sa lugar, nakarinig sila ng dalawang putok ng baril bago nakitang nakabulagta ang biktima sa eskinita. Wala naman makapagsabi kung ilan at kung sino ang nasa likod ng krimen.

Ayon sa nanay niya, nagkita pa sila sa isang computer shop noong gabing 'yon at pinauuwi na niya ito. Kaya laking gulat niya nang makitang nakahandusay at wala nang buhay ang kaniyang anak malapit sa kanilang bahay.

ADVERTISEMENT

Palaisipan para sa pamilya ang motibo sa likod ng pamamaril, pero aminado silang dati nang nakulong ang biktima dahil sa droga.

Nakalap ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng bala sa lugar at isang sachet umano ng shabu na nasa kamay ng biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.