ALAMIN: Tips sa pagtitipid ng tubig | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Tips sa pagtitipid ng tubig

ALAMIN: Tips sa pagtitipid ng tubig

ABS-CBN News

Clipboard

Nanawagan ang organisasyong World Wide Fund for Nature (WWF)-Philippines sa publiko na magtipid o mag-recycle ng tubig.

Ito ay sa gitna ng mahinang daloy o kawalan ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila dahil sa service interruption ng Manila Water bunsod ng pagbaba ng antas ng tubig sa La Mesa Dam.

"Itong problemang ito is knocking our doors, nag-uumpisa na 'to so sana naman maging lalong conscious tayo na magkaroon ng pagpapahalaga sa tubig," ani WWF-Philippines chief executive officer Joel Palma.

Ayon sa WWF-Philippines, para makatipid o makapag-recycle ng tubig, tiyaking walang leak o tagas ang mga gripo o tubo, at gamitin muli bilang pandilig ang tubig na ginamit panghugas ng pinggan o kotse.

ADVERTISEMENT

Payo naman ng ibang eksperto, mas kaunti ang magagamit na tubig kapag de-balde na lang ang ipanliligo sa halip na shower.

Puwede rin umanong gamiting panghugas o pandilig ang tirang tubig sa mga baso na hindi na iinumin; gamiting panlinis sa banyo ang tubig na pinaglabhan, at gamitin sa paggawa ng soup ang tubig na pinagkuluan ng pasta.

Puwede ring gamiting pandilig o panlinis ang tubig na pinanghugas ng bigas.

Watch more in iWantv or TFC.tv

MGA APEKTADO NG WATER INTERRUPTION, KANYA-KANYANG DISKARTE

Kanya-kanyang diskarte sa pagtitipid ng tubig ang mga residente sa Quezon City na apektado ng mahinang daloy o kawalan ng tubig.

Isa rito si Lida Gimparo na residente ng Barangay Quirino 2-B at may 4 na anak.

Gumagastos umano sina Gimparo ng P30 kada container na mineral water para may mainom sila. Sa barangay na lang din daw sila naliligo.

Apektado rin ng water interruption ang mga empleyado ng isang printing press sa Barangay Duyan-Duyan kasama si Alex Sembrero.

Stay-in worker kasi sila Sembrero kaya imbes na 2 beses maglaba ng mga damit sa isang lingg, isang beses na lang muna.

"'Yong pinagbanwalan, 'yon din po 'yong sinasalin namin sa timba para mayroon po kaming pambuhos sa CR," ani Sembrero.

Hirap din ang mga kompanya ng purified water dahil halos dumbole ang nagpapa-deliver sa kanila.

Sa isang tindahan ng plastic container sa Commonwealth dumadayo ang taga-Mandaluyong na si Arnold Marasigan.

Bumili siya ng mga drum na nagkakahalaga ng higit P1,000 at isang timba na tig-P300 para may paglagyan ng tubig.

"Para maimbakan panggamit," ani Marasigan.

Sa huling anunsiyo ng Manila Water sa Facebook, maapektuhan pa rin simula alas-3 ng hapon ng Lunes ang ilang barangay sa Angono, Antipolo, Binangonan, Cainta, Jalajala, Rodriguez, San Mateo, Taytay at Teresa sa Rizal.

Apektado rin ang Makati, Mandaluyong, Marikina, Pasig, Pateros, Quezon City, San Juan, Taguig at ilang bahagi ng Parañaque. -- May ulat nina Jeff Canoy at Apples Jalandoni, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.