Curfew sa San Juan, mas pinaaga na; violator, tiniketan ng mga pulis | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Curfew sa San Juan, mas pinaaga na; violator, tiniketan ng mga pulis

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Mar 10, 2021 05:57 AM PHT
|
Updated Mar 10, 2021 07:09 AM PHT

MAYNILA - Isang 22-anyos na lalaki ang tiniketan ng mga pulis at barangay matapos madatnang naglalaro ng video games sa labas ng kaniyang bahay sa Bgy. West Crame sa San Juan City.

Siya lang ang tanging naitalang hinuli dahil sa paglabag ng curfew kasunod ng muling pagpapahaba nito simula Martes ng gabi.

Police and village watchmen in San Juan City roam residential areas to enforce the city’s extended curfew hours of 10pm to 5am. pic.twitter.com/zUbamEzdS5
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) March 9, 2021

Inanunsyo ni Mayor Francis Zamora na ibabalik sa 10 p.m. to 5 a.m. ang curfew hours kasunod ng paglobo ng kaso ng COVID-19 sa San Juan.

Hapon pa lang umikot na ang mga pulis para ianunsyo ang bagong curfew hours.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Police Lt. Ricardo Quibrantos ng San Juan City Police Station, agad nagsara ang mga establisimyento pagsapit ng alas-10 at nagmistulang "ghost town" ang kabuuan ng lungsod pagsimula ng curfew.

Naglibot ang mga pulis at tanod para tiyakin na nasusundan ang curfew, pero karamihan ng nadadatnan nilang mga tao ay ang mga may sapat na dahilan para lumabas kaya hindi na hinuli ang mga ito.

Halimbawa na rito ang mga galing o papasok ng trabaho, at ‘yong mga taga-ibang lugar na may hinatid sa San Juan.

Ayon kay Lt. Quibrantos, tiniketan ang nahuling naglalaro sa cellphone dahil hindi siya makapagpaliwanag bakit siya lumabas noong oras na iyon.

Mumultahan siya para sa paglabag sa ordinansa ng lungsod. Mas mataas na multa naman ang ipapataw sa may ikalawa at ikatlong paglabag.

Pinaalalahanan na lang ang ibang mga nadatnan sa labas sa pinahabang oras ng curfew.

Nasa 148 ang active COVID-19 cases sa San Juan, mahigit doble ang bilang sa 63 na active cases sa lungsod noong Marso 1.

Naka-quarantine pa rin sa ospital si Mayor Zamora na nagpositibo sa COVID-19 noong katapusan ng Pebrero.

Read More:
San Juan City
San Juan
curfew
West Crame
Francis Zamora
COVID-19
COVID-19 quarantine
extended curfew
TeleRadyo
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT