Mga umano'y pekeng sabon at pabango, nasabat sa Davao City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga umano'y pekeng sabon at pabango, nasabat sa Davao City

Mga umano'y pekeng sabon at pabango, nasabat sa Davao City

Bonna Pamplona,

ABS-CBN News

Clipboard

DAVAO CITY - Kahon-kahong sabon, pabango, lotion at iba pang beauty products na peke umano ang nakumpiska mula sa isang warehouse sa Barangay Paciano Bangoy dito, Biyernes.

Ni-raid ang warehouse matapos mapag-alaman ng mga awtoridad na hindi nagbabayad ng tamang buwis at hindi nag-iisyu ng resibo ang Chinese na may-ari ng mga produkto.

Dinala ng mga kawani ng Bureau of Internal Revenue at National Bureau of Investigation ang mga nakumpiskang produkto sa Bureau of Food and Drugs upang ipasuri kung peke ang mga ito.

Ayon kay Chito Cañedo na kagawad ng barangay, matagal na nilang mino-monitor ang mga warehouse dito sa barangay ngunit hindi sila makapasok dahil hindi sumusunod ang mga may-ari ng mga warehouse.

ADVERTISEMENT

"Karamihan ng mga bodega [dito] ay pagmamay-ari ng mga pure Chinese. Hindi marunong mag-Tagalog o mag-Ingles at hindi rin nagko-cooperate kapag may gagawin kaming survey kaya kami hanggang tingin na lang kasi ayaw talaga nila magpapasok," sabi ni Cañedo.

Wala ang may-ari ng warehouse nang isinagawa ang raid.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad kung magkano ang halaga ng mga produktong nakumpiska mula sa gusali.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.