Bodega ng scrap metal nasunog sa Davao City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bodega ng scrap metal nasunog sa Davao City

Bodega ng scrap metal nasunog sa Davao City

Paul Palacio,

ABS-CBN News

Clipboard

Nahirapan ang mga bombero dahil sa gitnang bahagi ng bodega ng junkshop nagsimula ang apoy. Paul Palacio, ABS-CBN News


DAVAO CITY - Sumiklab ang apoy sa bodega ng isang junkshop na puno ng scrap metal sa Landmark 2, Kilometro 11 sa lungsod na ito, Sabado ng umaga.

Ayon sa mga residente, alas-2 pa ng madaling araw nang mapansin nila na may usok sa loob ng bodega ng DTC Junkshop pero alas-6 na nila ito napansin na nasusunog na pala ang loob dahil walang nagbabantay na guwardiya at wala ring trabahador.

Ayon kay Fire Insp. Willy Melodi, hepe ng Panacan Fire Station, nag-umpisa ang apoy sa gitna ng bodega kung saan may pinoproseso ang crushing machine na posibleng nag-overheat.

Nahirapan din sa pag-apula ng apoy ang mga bombero dahil may lamang pintura ang ibang lata habang ang iba naman ay canister ng butane gas.

ADVERTISEMENT

Nakadagdag pa sa apoy ang mga sako na siyang pinaglagyan ng mga scrap metal.

Ang naturang bodega ay pag-aari ng isang Danny Chua.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.