MMDA enforcers sinita ang 2 nilang tow truck sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMDA enforcers sinita ang 2 nilang tow truck sa QC

MMDA enforcers sinita ang 2 nilang tow truck sa QC

Anjo Bagaoisan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 09, 2018 02:10 PM PHT

Clipboard

MANILA - Hindi sinanto ng enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawa nilang tow truck na nahuling nakatigil sa gilid ng Quezon Memorial Circle kung saan naabutan pang natutulog ang mga driver, Biyernes ng umaga.

Kasisimula pa lang ng clearing operation ng MMDA sa bahagi ng Commonwealth Avenue at mga ruta na apektado ng pagtatayo ng MRT-7 sa Quezon City nang mapansin ng mga enforcer ang dalawang truck.

"Tow trucks namin minsan pumaparada sa ‘di dapat paradahan, nauuna during operation. Nagto-towing walang go-signal ng enforcers, so we have to discipline our own men as well," paliwanag ni Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA.

Agad tiniketan ang mga driver.

ADVERTISEMENT

Nakipag-agawan naman ng mga gamit ang tauhan ng isang car wash nang pinaghahakot ito ng mga taga-MMDA. Binalaan na dati ang car wash na tumigil sa operasyon lalo't wala itong city permit.

Sa iba namang mga establisimyento, tinanggal ang mga bahaging umaabot sa sidewalk gaya ng kahoy, trapal, pati na ang isang gato o balian ng bakal sa isang aluminum shop na nakakabit na sa sidewalk.

Pinaalis din ang ilang delivery truck na sumampa sa sidewalk na nasira na dahil sa ilegal na pagpaparada.

Na-tow rin ang isang sasakyan sa harap ng isang paaralan nang hindi agad bumalik ang may-ari nang sitahin ng MMDA.

Sabi ng MMDA, mas kumonti na ang pasaway kahit may ilan pa ring matitigas ang ulo na motorista.

"Naniniwala kami na kapag nakatikim ka nang ma-tow ka, sa laki ng penalty, di ka papayag na ma-tow ka ulit. 'Yun 'yung challenge sa amin kaya we have to be consistent," sabi ni Pialago.

Nagpaalala naman ang MMDA sa mga residente at motorista sa mga rutang tinatayuan ng MRT-7 na makipagtulungan sa kanila para hindi lalong bumigat ang traffic bunsod ng construction.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.