Maynila may 5 bagong electric buses

ABS-CBN News

Posted at Mar 08 2021 03:02 PM

Mga bagong electric buses ng Maynila na pansamantalang libreng magagamit ng mga commuter sa lungsod. Lady Vicencio, ABS-CBN News

MAYNILA — May bagong electric buses ang lungsod ng Maynila na pansamantalang libreng magagamit ng mga pasahero sa lungsod.

Bunga ng partnership ng lokal na pamahalaan ng Maynila at private company na Global Electric Transport (GET) ang mga e-bus.

Biyaheng Taft Avenue hanggang SM North EDSA ang inisyal na ruta ng 5 e-bus, na pinasinayaan nitong umaga ng Lunes.

Watch more in iWantTFC

Airconditioned, may CCTV, built-in acryllic barriers at fire extinguisher ang bawat isa sa 5 electric buses.

Kaya umano ng mga bus na magsakay ng hanggang 30 pasahero, kasama ang standing capacity, pero sa ngayo'y 14 lang muna ang isasakay bilang pag-iingat laban sa COVID-19.

Ayon sa GET, higit P4 milyon ang halaga ng bawat unit ng e-bus, na kailangang i-charge nang 30 minuto para makatakbo ng 100 kilometro.

Makatutulong din umano ang bus para mabawasan ang air pollution sa lungsod, mabigyan ng hanapbuhay ang mga kukuhaning driver, at mabawasan ang ingay na bunga ng mga pampublikong sasakyan.

Inaasahang hanggang Hunyo ay aabot na sa 50 units ng electric buses ang magagamit sa Maynila.

-- Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.