7 sugatan sa salpukan ng 2 truck sa Camarines Sur | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
7 sugatan sa salpukan ng 2 truck sa Camarines Sur

ABS-CBN News
Published Mar 08, 2020 02:58 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Pitong tao ang nasugatan nang magkabanggaan ang 2 truck sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur noong hapon ng Sabado.

Bumibiyahe papuntang Borongan, Samar ang isang truck nang pumalya umano ang preno nito, dahilan para mabangga ang isang kasalubong na truck sa may Barangay Tara bandang 5:30 ng hapon.

Sa lakas ng pagbangga, tumagilid ang truck na nawalan ng preno.

Nasugatan ang 4 na sakay ng unang truck, na kinabibilangan ng 7 taong gulang na bata. Tatlo naman ang nasugatan mula sa nabanggang kasalubong na truck.

Kasalukuyang nagpapagaling sa Bicol Medical Center sa Naga City ang mga nasugatan.

Posibleng managot ang driver ng truck na nawalan ng preno pero bukas naman daw sa pakikipag-areglo ang mga sakay ng nabanggang truck. -- Ulat ni Rizza Mostar, ABS-CBN News