Mga babaeng pulis, nakiisa sa Women's Month Celebration | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga babaeng pulis, nakiisa sa Women's Month Celebration

Mga babaeng pulis, nakiisa sa Women's Month Celebration

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Women’s Month, nagkaroon ng "pulis-teniks" sa Camp Crame Biyernes ng umaga.

Napuno ng mga kababaihang pulis ang Grandstand ng Camp Crame ngayong umaga. Madilim pa lang, todo indak na ang mga babaeng pulis suot ang kanilang mga athletic uniform para sa pulis-teniks.

Masaya at masigla silang humataw sa tugtog bilang pakikiisa sa Women’s Month Celebration. Pinangunahan ang pulis-teniks ng National Capital Region Police Office (NCRPO) fitness team at sinabayan sila ng nasa 1,000 mga pulis Kasama ang iba pang mga empleyado ng Philippine National Police, mga opisyales, at ng mga non-uniform personnel.

Dalawang beses sa isang linggo isinasagawa ang pulis-teniks sa kampo na parte ng kanilang internal cleansing o physical fitness program pero espesyal ang araw na ito dahil tanging mga kababaihan lamang ang sumali sa aktibidad.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Chief Inspector Rowena Lambojo, hepe ng Women and Children Protection Desk ng PNP, paraan ito para makapag-relax sila at nagsisilbi na rin na stress reliever sa kanilang mabigat na trabaho. Layunin din nitong ipakita ang kanilang pagkakaisa.

Nais ng aktibidad na mapanatili ang kalusugan ng mga babaeng pulis para maging malakas sila sa isip at gawa. Bukod sa pulis teniks, magkakaroon din ngayong hapon ng HIV awareness at pag-aaral tungkol sa stress management. Mayroon din libreng OB Gyne at Dermatologist consultation at libreng breast examination

Nais ng WCPD na ipabatid sa komunidad ngayong Women’s Month na katuwang nila ang mga pulis sa crime prevention at public safety.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.