Driver sa hit-and-run sa Bacolod, sumuko na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Driver sa hit-and-run sa Bacolod, sumuko na

Driver sa hit-and-run sa Bacolod, sumuko na

Martian Muyco,

ABS-CBN News

Clipboard

Patawid ng intersection ang motorsiklo ng biktima nang salpukin ito ng pick-up sa Bacolod City. Kuha mula sa CCTV footage sa lugar

BACOLOD CITY - Sumuko na sa awtoridad ang driver ng pick-up na nakabundol sa isang motorsiklo na ikinasawi ng rider nito noong Linggo ng madaling araw.

Huwebes ng umaga nang sumuko ang driver na nakabangga kay Willy Bolinas sa intersection ng Luzuriaga at Lacson street.

Ayon kay Police Capt. Elmer Bonilla, hepe ng Police Station 6, hindi agad sumuko ang driver dahil sa takot sa pamilya ng namatay.

Dagdag pa ni Bonilla, isa rin sa mga dahilan kung bakit sumuko ang driver ay ang kumakalat na CCTV video sa social media na kuha sa aksidente.

ADVERTISEMENT

Hindi pa nakakapagdesisyon ang pamilya ng biktima kung magsasampa pa sila ng kaso.

Nauna nang nanawagan ang live-in partner ni Bolinas ng tulong para sa gastusin sa pagpapalibing sa biktima.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.