DOH nagbabala vs tigdas, heat stroke, iba pang sakit sa tag-init | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOH nagbabala vs tigdas, heat stroke, iba pang sakit sa tag-init

ABS-CBN News
Published Mar 08, 2019 05:58 PM PHT
|
Updated Mar 08, 2019 07:35 PM PHT

Hindi pa man opisyal na idinideklara ang tag-init ay nagpaalala na ang Department of Health (DOH) sa mga maaaring gawin para makaiwas sa sakit.

Ayon sa DOH, ngayon pa lang ay maaari nang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na iniuugnay sa tag-init. Ang ilan sa mga sakit kapag tag-init:

- Sore eyes
- Tigdas
- Sakit sa balat
- Heat exhaustion
- Heat stroke
- Sore eyes
- Tigdas
- Sakit sa balat
- Heat exhaustion
- Heat stroke
Pinakadelikado ang heat stroke na madalas nangyayari sa mga may edad, ani Health Undersecretary Eric Domingo.

“’Yung matatanda kung fragile na, hypertensive pa, maaari ka talagang lalong tumaas ang presyon dahil sa init at mag-lead sa cardiovascular disease tulad ng atake sa puso at puwede ring ma-stroke,” ani Domingo.

Kasabay ng pag-init ng panahon ay ramdam na ng ilan ang mga nabanggit na karamdaman, gaya ni Grace Brimon, na pinoproblema ang pagkakaroon ng butlig at sore eyes ng kaniyang mga pamangkin.

Bagay ito na isinisisi ni Brimon sa panahon. "Dahil po sa sikat ng araw, mainit po, tapos 'yung dumi po sa dagat. ‘Pag umaga, paliguan sa dagat para mawala yung sipon. Mainit po talaga dito sa amin," aniya.

Ipinapayo ni Domingo na bukod sa pag-inom ng maraming tubig ay mahalaga pa rin ang pagpapanatili ng malinis na pangangatawan.

Dapat ring aniyang itapon ang mga tissue o ano mang bagay na ginamit na maaring dinapuan na ng virus.

Bagamat gumagaling naman ang ibang sakit sa tag-init gaya ng sore eyes at sakit sa balat, paalala ni Domingo na huwag balewalain ang kahit anong karamdaman.

Kumpiyansa si Domingo na hindi na ganoong karami ang magiging kaso ng tigdas ngayong tag-init dahil dumami na ang nagpapabakuna kontra tigdas.

Patuloy aniya ang kanilang pakiusap sa mga magulang na pabakunahan ang mga batang hindi pa napapabakunahan at huwag nang hintaying mapabilang pa ang mga ito sa dadapuan ng sakit.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
Raphael Bosano
balita
summer
diseases
DOH
summer illnesses
common summer diseases
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT