Libo-libo dumalo sa Robredo campaign rally sa Bulacan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Libo-libo dumalo sa Robredo campaign rally sa Bulacan

Libo-libo dumalo sa Robredo campaign rally sa Bulacan

ABS-CBN News

Clipboard

Drone shot ng campaign rally nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate Sen. Francis
Drone shot ng campaign rally nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate Sen. Francis 'Kiko' Pangilinan sa Malolos, Bulacan, Marso 5, 2022. Retrato mula sa Team Kiko

Libo-libong Bulakenyo ang dumalo sa "grand rally" nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate Sen. Francis Pangilinan sa Malolos Sports Convention Center.

Highlight ng event nitong Sabado ang pag-awit ng grupong Doctors for Leni o "RobreDocs" ng "'Di N'yo Ba Naririnig?", ang Filipino version ng revolt song na "Do You Hear the People Sing?"

Ang Robredocs ay samahan ng nasa 500 doctor mula Bulacan na sumusuporta sa kandidatura ni Robredo.

Sa kaniyang talumpati, napansin ni Robredo na puro kabataan ang nagpunta sa event kaya nagbigay siya ng assignment sa kanila na kumbinsihin ang kanilang mga kaanak na bumoto nang tama.

ADVERTISEMENT

Kasama sa mga nag-perform sa event ang bandang True Faith at si Kuh Ledesma.

Bago ang event, nakipagpulong si Robredo kay Bulacan Governor Daniel Fernando at Sen. Joel Villanueva.

Bumisita rin siya sa Bishop Cirilo Almario Gymnasium sa Immaculate Conception Seminary, kung saan nanguna siya sa pagdadasal ng rosaryo.

Nagpunta rin si Robredo sa Barangay Minuya sa San Jose del Monte, kung saan sinalubong din siya ng libu-libong tagasuporta.

Ngayong Linggo, nagsagawa naman ng "fun run" ang mga tagasuporta ni Robredo sa University of the Philippines Diliman campus.

Inorganisa ng grupong Runners for Leni ang naturang pagtitipon. Kabilang sa mga nakibahagi ang mga kabataan, senior citizens at ilang Leni-Kiko supporter mula ibang probinsya.

Mariing ipinatupad ang pagsusuot ng face mask at physical distancing upang mapanatiling ligtas ang mga kalahok.

Hangad umano ng Runners for Leni na magkaroon ng nationwide run bago ang halalan sa Mayo.

Samantala, isang "Pink Sunday ride" naman ang ginawa ng Bikers for Leni sa may Quezon City.

— Ulat nina Jervis Manahan at Reiniel Pawid, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.