Ex barangay captain, patay matapos manlaban umano sa Davao

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2021 02:22 AM

DAVAO CITY - Patay ang isang dating barangay captain matapos umano siyang manlaban sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa lungsod na ito Huwebes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nagkasa sila ng naturang operasyon laban kay Jorge Taho, 58, sa isang inn sa Brgy. Lubogan sa Toril district pero imbes na sumuko siya matapos ang buy-bust, sinubukan niya umanong barilin ang mga operatiba.

Dinala siya sa ospital matapos ang operasyon pero idineklara siyang dead on arrival.

Nasa P35,000 ng halaga ng shabu ang narekober umano sa kaniya. Isang .45 caliber pistol na may mga bala ang nakuha rin sa nasawi.

Nakulong na umano ang suspek noon dahil sa parehong kaso pero nakalaya nang tumanggap ng plea bargain. -- Ulat ni Chrislen Bulosan

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.