MAYNILA (UPDATE)- Arestado ang isang hepe ng pulisya sa Cebu dahil sa pagsiping at pagpapatulog sa 2 babaeng preso sa kaniyang kuwarto.
Hinuli noong Huwebes si Police Maj. Ildefonso Viñalon Miranda Jr., hepe ng Argao Municipal Police Station, matapos umanong ireklamo na nagpapasok ng babaeng preso sa kaniyang opisina.
Doon umano sa kaniyang higaan ni Miranda pinapatulog ang 1 babae habang ay isa ay natutulog sa kaniyang opisina imbes na nakakulong ang 2 sa selda.
Ayon sa Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), karelasyon ni Miranda ang isang babae habang ay isa naman ay ginagawa niyang helper.
Kapuwa naaresto dahil sa ilegal na droga ang 2 babae.
Ayon sa mga anti-scalawag operatives, naabutan pa umano nila ang hepe sa kaniyang opisina kasama ang 2 babae.
Nakita rin sa cellphone ni Miranda ang mga larawan na katabi niya ang mga babaeng preso habang nakahiga.
Sa isang larawan, suot pa ng isang preso ang uniporme ng opisyal.
Ayon sa pulisya, gross violation ng procedures ang ginawa ng hepe na maaaring masibak sa serbisyo.
Nasa headquarters na ng Police Regional Office-Central Visayas si Miranda na hindi pa nagbibigay ng pahayag sa reklamo.
Mahaharap siya sa reklamong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Article 156 ng Revised Penal Code o delivery of prisoners from jails at direct bribery.
Kuha ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group
-ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
crime, tagalog news, police, police abuse, Cebu, Argao, Ildefonso Miranda, TV PATROL