Babae nanganak sa ferry sa Batangas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae nanganak sa ferry sa Batangas
Babae nanganak sa ferry sa Batangas
ABS-CBN News
Published Mar 06, 2019 05:15 PM PHT

Isang babae ang nanganak sa isang ferry na biyaheng Batangas-Mindoro kagabi.

Kuwento ni Bayan Patroller MayPearl Cabatay, nagtulungan ang crew at mga pasahero para ligtas na mailabas ang malusog na sanggol na lalaki.

Ayon kay Cabatay, nasa biyahe na ang ferry nang biglang mag-anunsyo ang crew na kailangan ng mga taong tutulong sa pagpapaanak sa isang 29 anyos na babae.

Tumulong si Cabatay, na dating midwife, kasama ang isa pang pasaherong doktor.
Tumulong si Cabatay, na dating midwife, kasama ang isa pang pasaherong doktor.
ADVERTISEMENT
Ani Cabatay, na tubong-Baco, Oriental Mindoro, nagsilbi siyang midwife sa isang lying- in dito sa Pilipinas bago lumipad patungong Saudi Arabia bilang isang nurse aid.

Inabot lamang umano ng kalahating oras ang pagpapaanak at ligtas na isinilang ang isang lalaking sanggol.

Kasalukuyang nagpapalakas sa Oriental Mindoro Provincial Hospital ang ina at sanggol.