500,000 konsumer apektado ng Maynilad water interuption sa ilang parte ng NCR | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

500,000 konsumer apektado ng Maynilad water interuption sa ilang parte ng NCR

500,000 konsumer apektado ng Maynilad water interuption sa ilang parte ng NCR

Reiniel Pawid,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 04, 2023 10:50 PM PHT

Clipboard

(UPDATED) Halos 500,000 consumers sa mga siyudad ng Makati, Parañaque at Pasay ang apektado ng 3-day water interruption ng Maynilad.

Simula March 5 hanggang March 7 ay mawawalan ng tubig sa malaking bahagi ng naturang mga siyudad dahil sa pagkukumpuni ng tumagas na tubo sa Osmeña Highway corner Zobel Roxas sa Makati City.

Ang water station ni Jun Vergel, umabot na sa higit isangdaang galon ang nakapila para sa inuming tubig.

"Syempre nagpa-panic na mga yan, kaya marami na ang pila ngayon," dagdag ni Vergel.

ADVERTISEMENT

Isa sa mga maagang pumila ng customer si Lea Velardo, dalawang galon ng tubig ang kanyang iimbak upang hindi kapusin sa tatlong araw na mawawalan ng tubig.

‘Wala po kami maiinom pag hindi kami nakapag-ipon ng tubig ngayon. Dalawang balik na po ako rito sa tubigan,’ dagdag ni Velardo.

Ayon kay Engr. Ronald Padua, head of Water Supply Operations ng Maynilad, ang tatlong araw na water interruption ay bahagi ng pagbabawas ng non-revenue water o pagsasaayos sa mga nasasayang na tubig mula sa mga tagas.

"Meron po kaming tubo sa Osmeña Highway kanto ng Zobel Roxas ang laki po ng tagas 2.2 meter in diameter. Nagkataon lang na may katabi siyang drainage kaya hindi siya nag-surface sa kalsada," dagdag ni Padua.

Nasa 114,000 na bahay at establisyimento ang maapektuhan ng water interruption.

"Nasa 500,000 customers ito or 7 percent ng aming total customers. Ang hardest hit na may 39,000 water connections ay sa area ng Parañaque,’ dagdag ni Padua.

Tinatayang 20 to 30 million liters per day na tubig ang nasasayang dahil sa pipe leak.

Tiniyak naman ng Maynilad na may 30 mobile water tankers ang iikot sa mga apektadong lugar upang magbigay ng tubig.

Apektado sa 3-day water interruption ng Maynilad ang mga sumusunod na barangay:

MANILA
Brgy. 719, 726-731, 732-734, 745-762, 769, 803, 807 (Malate and San Andres)

MAKATI CITY
Bangkal, Magallanes, Palanan, Pio del Pilar, San Isidro

PARAÑAQUE CITY
Don Bosco (Magdalena St., Hernandez Ave., Remanville Subd.), Marcelo Green (Greenwood, Maharlika, Moss, Phase 5), Merville, Moonwalk, San Antonio (Don Aguedo Subd., Hernandez Ave., Jestra Village, Lakandula St., Malacañang Village, San Antonio Valley 1&9, Sta. Lucia Ave., San Gabriel St.), San Isidro (Greenheights Subd.), Sun Valley (Annex 41, Cul De Sac Road, Edison Ave., Marimar Village 1&2, Park View, Sta. Ana Drive, Sun Valley Subdivision)

Don Bosco (Aeropark Subd., Annex 135 and 1618 Subd.,Bolivia St., Better Living Subd., Camella Homes, Doña Soledad Ext., France St., Levitown Subd., Saudi St., Scienceville Subd., Somalia, UN-Don Bosco Ave., Zambia St.), BF Homes (Enclaves along Presidents Ave, and Aguirre St., Goodwill 2
Subd., Massville Village, Sampaloc Ave.), Marcelo Green (ACSIE Road, Sampaguita, Severina Ave. - Left & Right, WSR/Marcelo Ave.), San Antonio (4th Estate Subd., Goodwill 3 Subd., Meliton St., Soreena Ave.), San Martin De Porres (Makati South Hills Townhomes, United Parañaque Subdivision 1-3, United Hills Subdivision)

PASAY CITY
Brgy. 1, 3, 7, 9 ,14-15, 18, 20, 23, 33, 37, 41-49, 51-53, 56-59, 63-68, 71-75, 80-81,84-86, 89, 91, 93-99, 101, 104, 106-110, 112-115, 118, 120, 122-123, 125-126, 128, 130,131, 133, 135-137, 140, 142, 181-185, 201

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.