Pag-atake sa abogado ng NUPL, nakuhanan ng CCTV | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pag-atake sa abogado ng NUPL, nakuhanan ng CCTV

Pag-atake sa abogado ng NUPL, nakuhanan ng CCTV

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakuhanan ng CCTV ang pag-atake at pananaksak sa secretary-general ng National Union of People's Lawyers-Panay sa Iloilo City. CCTV footage ng Aurora Subdivision Homeowners Association

ILOILO CITY - Nasapul ng CCTV ang nangyaring pag-atake at pananaksak ng dalawang lalaki sa secretary-general ng National Union of People’s Lawyer-Panay sa Barangay Villa Anita, City Proper, Iloilo City, Miyerkoles ng gabi.

Sa kuha ng CCTV ng homeowners association sa lugar, makikitang hinahabol ng dalawang lalaki ang biktimang si Atty. Angelo Karlo Guillen.

Nang matumba ito, dito na siya inundayan ng saksak sa ulo gamit ang screwdriver. Kinuha ng mga suspek ang dalang gamit ng biktima at sumakay sa dalawang magkasunod na motorsiklo.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, sinundan ang biktima ng mga suspek pagkababa pa lamang niya ng sasakyan. Nanakbo ang biktima nang makitang may kinukuha ang isa sa mga suspek sa tagiliran nito.

ADVERTISEMENT

Nakasigaw at nakahingi pa ng tulong ang biktima na narinig naman ng mga tanod na naka-duty sa lugar. Nang puntahan ng mga tanod, agad na tumakas ang mga suspek bitbit ang bag ng biktima habang nakahandusay naman sa kalsada ang abogado.

Agad dinala sa ospital ang biktima ng mga rumespondeng pulis at Iloilo city emergency responders.

Nakabaon pa sa ulo ng biktima ang ginamit na screwdriver sa pananaksak nang isugod siya sa ospital ng mga pulis at ng Iloilo City Emergency Responders.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mariin namang kinondena ng Bagong Alyansa ng Makabayan-Panay ang marahas na pag-atake sa hanay ng mga abogado na nagtatanggol sa karapatang pantao.

Giit ng grupo na state-sponsored ang nasabing krimen na layong patahimikin ang mga kumokontra sa gobyerno.

Humawak ng mga sensitibong kaso si Guillen. Ito ay isa sa mga abogado ng mga biktima sa massacre sa Negros Occidental. Ang pinakahuling kaso niya ay ang madugong paghain ng search warrant ng awtoridad sa bayan ng Tapaz, kung saan 9 ang namatay sa mga taga-Tumandok noong Disyembre 2020.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa pagkakakilanlan sa mga suspek at motibo sa krimen.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang biktima sa ospital at ligtas na ang kalagayan.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

- Ulat ni Rolen Escaniel

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.