Barangay chairman at tanod, huli sa pagtatago ng ilegal na armas | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay chairman at tanod, huli sa pagtatago ng ilegal na armas

Hernel Tocmo,
ABS-CBN News
Published Mar 04, 2019 06:12 PM PHT

KAPALONG, Davao del Norte - Arestado ang isang barangay chairman at tanod sa Barangay Mabantao sa bayan ng Kapalong, Davao del Norte dahil sa pagtatago ng hindi lisensiyadong armas at mga bala.

Inaresto ng Philippine National Police Composite Team sa pamamagitan ng search warrant ang barangay chairman ng Mabantao na si Edgar Allan Quilla Biyernes ng gabi.

Huli rin ang barangay tanod nito na si Rolando Pamat matapos maabutan din sa bahay nito sa Purok Sampalok.

Iba't ibang uri ng baril at bala ang nakuha sa dalawa, kabilang ang mga sumusunod:

ADVERTISEMENT
- 1 piraso caliber .45 colt MK IV pistol
- 1 piraso caliber .45 norinco 1911
- 6 piraso caliber .45 magazine
- 47 piraso caliber .45 ammunition
- 45 piraso caliber .9mm ammunition
- 3 piraso caliber .38 ammunition
- 4 piraso caliber .22 ammunition
- 1 piraso caliber .380 ammunition

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms at election gun ban ang dalawang inaresto.

Ayon kay Police Brigadier General Marcelo Morales, hepe ng Police Regional Office XI, patuloy sila sa paghahanap sa mga iligal na nagmamay-ari ng mga hindi lisensyadong armas.

Pinalalakas ng PRO XI ang kampanya para maiwasan ang gun-related crimes lalo't nalalapit na ang 2019 midterm elections.