Ina ni Nadia Montenegro nanakawan sa member-only supermarket sa QC | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ina ni Nadia Montenegro nanakawan sa member-only supermarket sa QC

Ina ni Nadia Montenegro nanakawan sa member-only supermarket sa QC

ABS-CBN News

Clipboard

Idinaan sa social media ng aktres na si Nadia Montenegro ang hinaing nang manakawan ang kaniyang ina sa isang members-only store sa Quezon City.

Sa kaniyang Facebook live, ikinuwento ni Montenegro na magkasama sila ng kaniyang kapatid nang mangyari ang insidente.

"Tumawag sa akin kapatid ko na si Tanya, nagsisisigaw siya. Sabi 'nanakawan Mommy ng wallet sa loob.' Sabi ko wag kayo aalis diyan, magpatawag na ng pulis," ani Montenegro.

Pagdating ni Montenegro sa establisimyento, agad nilang tiningnan ang CCTV footage at nakita kung paano nanakawan ang kanyang ina.

ADVERTISEMENT

"Ang style po ng sindikato guguluhin kayo kukumpulan kayo, sa magtatanong kunwari, masarap ba ito? Paglingat ng nanay ko, Isang segundo, nakuha [na ang wallet]," ani Montenegro.

Natangay ng mga kawatan ang pera at ATM card na nabawasan pa umano.

"It's very traumatizing kasi kakakuha lang ng nanay ko ng retirement niya at naroon siya para mag-shopping, at nakawin lang sa isang lugar," ani Montenegro.

Ayon kay QC Police District chief Richard Encio Mepania, pinag-aaralan na nila ang video at kung ang grupo ay sangkot din sa iba pang insidente.

-- Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.