Libo-libong doses ng Sinovac vaccines dumating sa Cebu, Davao | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Libo-libong doses ng Sinovac vaccines dumating sa Cebu, Davao

ABS-CBN News
Published Mar 02, 2021 02:38 PM PHT
|
Updated Mar 02, 2021 07:03 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Dumating ngayong Martes sa Cebu City at Davao City ang libo-libong doses ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac bilang bahagi ng vaccination program ng gobyerno.

Aabot sa 7,200 dose ng Sinovac vaccines o CoronaVac ang dumating sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City, kung saan nasa 1,994 health workers ng ospital at lokal na Department of Health (DOH) ang tuturukan.

Nasa 12,000 doses ng bakuna naman ang natanggap ng Davao City.

Ayon kay Annabelle Yumang, direktor ng DOH sa Davao region, nasa 8,000 ang health workers sa Davao region.
Ayon kay Annabelle Yumang, direktor ng DOH sa Davao region, nasa 8,000 ang health workers sa Davao region.
ADVERTISEMENT
Sa Biyernes isasagawa sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang pagbabakuna, kung saan 75 porsiyento sa halos 4,000 empleyado ng ospital ang pumayag magpabakuna.

Ayon sa SPCM, wala namang umurong nang malamang Sinovac ang ibabakuna sa kanila.

Kabilang din sa mga makakatanggap ang mga health worker ng Davao Regional Medical Center sa Tagum City pati ang frontliners sa mga health center at temporary treatment facility.

Isa sa mga mauunang mabakunahan si SPMC chief Dr. Ricardo Audan.

Ayon kay Audan, mauuna na siyang magpabakuna para mawala ang pag-aalinlangan ng ibang health workers.
Ayon kay Audan, mauuna na siyang magpabakuna para mawala ang pag-aalinlangan ng ibang health workers.
ADVERTISEMENT
Sa Cebu City, sinabi naman ni VSMMC COVID-19 health facility chief Dr. Helen Madamba na Pebrero pa lang ay handa na sila sa pagpapabakuna.

Aminado si Madamba na bumaba ang pagiging bukas ng health workers sa pagpapabakuna nang malamang Sinovac vaccine ang gagamitin.

Pero umaasa umano si Madamba na maraming makukumbinsi ang pagpapaturok ng mga doktor sa Metro Manila noong Lunes at ng mga opisyal ng VSMMC, na unang matuturukan sa Visayas.

Sa Huwebes nakatakdang simulan ang vaccine rollout sa Cebu City.

Umarangkada noong Lunes sa ilang ospital sa Metro Manila ang COVID-19 vaccination program ng gobyerno matapos dumating noong Linggo ang nasa 600,000 doses ng Sinovac vaccines na donasyon ng Chinese government.

Sa tala ng DOH noong Lunes, umabot na sa 578,381 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

–Ulat nina Annie Perez at Hernel Tocmo
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolpH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Cebu City
Davao City
Covid-19
Covid-19 vaccine
bakuna
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT