100 health workers unang mababakunahan kontra COVID-19 sa Pasay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
100 health workers unang mababakunahan kontra COVID-19 sa Pasay

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Mar 02, 2021 10:37 AM PHT
|
Updated Mar 02, 2021 10:38 AM PHT

MAYNILA - Tinatayang 100 healthcare workers ng Pasay City General Hospital ang nakatakdang mabakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine sa lungsod, Martes ng umaga.

Dumating sa naturang ospital pasado alas-11 ng gabi ang isang kahon na naglalaman ng 300 doses ng bakuna mula sa Department of Health storage facility sa Marikina.

Pangunahing nakalaan ito para sa mga medical at non-medical workers ng ospital.

Around 100 medical & non-medical workers at Pasay City General Hospital are scheduled to be vaccinated today. pic.twitter.com/spBOSXCcgU
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) March 2, 2021

Sabik na kahit kabado ang administrative clerk na si Ryan Pontejos para sa pagtanggap niya ng bakuna. Lunes ng gabi pa natapos ang kaniyang shift pero hindi na siya umuwi para diretso na sa vaccination.

ADVERTISEMENT
Sa admitting section nagtatrabaho si Pontejos kaya kahit hindi siya medical worker, malaki pa rin ang panganib ng COVID-19 dahil humaharap sila sa mga nagpapatingin sa ospital.

Kuwento niya, malaking bagay ang pagpapabakuna para sa kaniya dahil naranasan na rin niya ang pangamba ng sakit noong magkaroon siya ng sintomas at maging suspect COVID-19 case noong Abril 2020.

Ayon kay Pontejos, may ilan pa rin siyang katrabaho na nag-aalangan pang magpabakuna dahil sa mga posibleng makuhang side effects.

WATCH: Pontejos said some of his co-workers still have reservations against getting the jab. But for him, the benefits of the vaccine—whether Sinovac or another—outweigh the risks. pic.twitter.com/W9DaVCyiPT
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) March 2, 2021
WATCH: Pontejos said some of his co-workers still have reservations against getting the jab. But for him, the benefits of the vaccine—whether Sinovac or another—outweigh the risks. pic.twitter.com/W9DaVCyiPT
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) March 2, 2021
"Siguro ‘yong iba naming mga officemate natatakot sila, kasi nga, siyempre baka mamaya magkaroon ng effect sa kanila kung ano’ng mangyayari. Natatakot ‘yan at the same time, baka nga magkaroon ng side effects sa kanila, magkaroon sila ng allergy sa katawan, bigla silang manghina,” sabi niya.

Pero para sa kaniya mas mainam nang protektado sa tulong ng bakuna.

"50 or 90 percent ‘yong effectiveness ng vaccine, willing ako, kasi para may protection, at the same time, sa family ko kasi since kami ang nasa frontline, mas prone kasi kami sa sakit na COVID-19,” sabi niya.

Positibo ang lokal na pamahalaan sa pagsisimula ng bakuna lalo’t isa ang Pasay sa 8 lungsod sa Metro Manila na itinala ng OCTA Research na may “steep upward trend” o patuloy na pagtaas ng mga nagpopositibo sa coronavirus.

Noong huling linggo ng Pebrero, halos 100 bahay sa 56 barangay sa Pasay City ang isinailalim sa localized quarantine dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19.

RELATED VIDEO:
Read More:
COVID-19
COVID-19 Pasay vaccine rollout
Sinovac
CoronaVac
Pasay City General Hospital
Pasay City
health care workers
vaccination
TeleRadyo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT