Barangay chairwoman patay sa pamamaril sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Mar 01 2021 02:13 PM

Sakay ng motorsiklo ang isang barangay chairman nang pagbabarilin sa Calinog, Iloilo noong Pebrero 28, 2021. Retrato mula sa Calinog Municipal Police Station

Patay ang isang barangay chairwoman mula Capiz matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng Calinog, Iloilo noong umaga ng Linggo.

Ayon sa pulisya, pauwi ng Tapaz, Capiz ang biktimang si Julie Catamin, 49, nang pagbabarilin siya ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo. 

Si Catamin ay chairperson ng Barangay Roosevelt sa Tapaz.

Sakay umano ng kaniyang motorsiklo si Catamin at tumatakbo sa may Barangay Malitbog Centro, Calinog nang atakihin ng mga salarin.

Nakatakas naman ang mga salarin.

Dinala sa ospital si Catamin pero idineklara ring dead on arrival.

Katarungan naman ang hiling ng pamilya.

– Ulat ni Rolen Escaniel

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.