ALAMIN: Bakit di natuloy ang dating ng AstraZeneca vaccines nitong Marso 1 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ALAMIN: Bakit di natuloy ang dating ng AstraZeneca vaccines nitong Marso 1

ABS-CBN News
Published Mar 01, 2021 06:53 PM PHT
|
Updated Mar 01, 2021 07:49 PM PHT

MAYNILA — Taliwas sa ipinangako ng pamahalaan, hindi natuloy ngayong Lunes ang pagdating sa bansa ng mahigit 525,000 doses ng AstraZeneca mula sa COVAX facility.

Sabi vaccine czar Carlito Galvez, "problema sa supply" ang sinabing dahilan kung bakit naudlot ang pag-deliver ng mga bakuna, batay umano sa abiso ng World Health Organization (WHO) noong Linggo.

"We have to understand kasi nakita natin 'yung logistical chain ng ating COVAX facility considering na talagang 'yung vaccination ngayon globally ay nag-a-accelerate 'yan," sabi ni Galvez noong Linggo.
Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque, posibleng maantala nang isang linggo ang pagdating ng mga AstraZeneca vaccine sa bansa.
Hihingan na daw ni Duque ng paliwanag ang UNICEF, isa sa mga bumubuo sa COVAX facility, kung bakit napurnada ang paghahatid ng mga bakuna.

"Sinasabi nila na hindi raw makakarating dahil may supply problems daw. Ako naman, inatasan ko ang DOH na kausapin ang UNICEF at sila mismo ang magpaliwanag kung ano nga ba ang nangyari, kung bakit mukhang naantala na naman ang pagdating ng AstraZeneca vaccines via the COVAX facility," sabi ni Duque sa TeleRadyo nitong Lunes.

Sa kabila nito, ibinalita naman ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na inaasahang may darating na nasa 26 milyong doses ng COVID-19 vaccines mula Moderna at Johnson and Johnson.

Nasa 20 milyon ang manggagaling sa Moderna, habang ang 6 milyon ay sa Johnson and Johnson.

"Ang pagdating niyan ay by phases kasi unti-unting darating 'yan pero a total of 20 million. Iyan ang ine-negotiate natin sa Moderna. Mag-uumpisa sigurong dumating 'yan mga May or June of this year at tuloy-tuloy yan hanggang 3rd and 4th quarter of this year," sabi ni Romualdez.

Ang sa Johnson and Johnson naman ay inaasahang sa ikalawang bahagi pa ng taon darating dahil mag-uumpisa pa lang umano ang production nito.