2 bata patay sa pagsabog sa Maguindanao | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 bata patay sa pagsabog sa Maguindanao
2 bata patay sa pagsabog sa Maguindanao
ABS-CBN News
Published Mar 01, 2020 04:16 PM PHT
|
Updated Mar 01, 2020 04:59 PM PHT

SULTAN MASTURA, Maguindanao — Dalawang paslit na may edad na 5 at 6 ang nasawi sa Sitio Santillano sa bayan na ito Sabado ng hapon dahil sa 'di pa matukoy na pampasabog.

Kuwento ng ina ng isa sa mga biktima, naisugod pa nila sa ospital ang 2 bata pero parehong binawian ng buhay dahil sa tindi ng mga tinamong sugat sa katawan.

Hustisya ang sigaw ngayon ng mga pamilya ng 2 biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang pampasabog na ginamit, pero hinala nila, may kinalaman ang krimen sa girian ng ilang pamilya sa lugar.

ADVERTISEMENT
"Isang anggulo 'yun na baka sa panig [ng kaaway na pamilya] 'yung pangha-harass na 'yun," sabi ni Police Maj. Bangon Mamako, hepe ng Sultan Mastura police.

Pinulong na ng pulisya ang mga barangay tanod, at humingi na rin sila ng tulong sa Philippine Marines at maging sa Moro Islamic Liberation Front para hindi na masundan ang insidente.