6 patay sa salpukan ng van, cargo truck sa Negros Oriental | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

6 patay sa salpukan ng van, cargo truck sa Negros Oriental

6 patay sa salpukan ng van, cargo truck sa Negros Oriental

Annie Perez at Martian Muyco,

ABS-CBN News

 | 

Updated Mar 01, 2019 11:04 PM PHT

Clipboard

Kabilang sa mga pasahero ng van ay 10 estudyante ng Basay National High School na pauwi na matapos na dumalo sa isang kumpetisyon sa Cebu. Larawan mula kay Michael Gamala

(UPDATED) Anim ang nasawi at siyam na iba pa ang sugatan sa aksidente sa Mayabon sa bayan ng Zamboanguita sa Negros Oriental, Biyernes ng umaga.

Ayon sa pulisya, isang pampasaherong van at cargo truck ang sangkot sa aksidente sa highway.

Sakay ng van ang 10 estudyante ng Basay National High School, isang guro, at apat na iba pang pasahero.

Galing ng Cebu City ang mga estudyante matapos na dumalo sa isang kumpetisyon at pauwi na ng Basay nang maaksidente.

ADVERTISEMENT

Limang estudyante ang namatay at isa pang pasahero na hindi pa nakikilala.

Sa imbestigasyon ng Zamboanguita Police, nag-swerve ang van sa kabilang linya matapos nitong dumaan sa kurbang bahagi ng highway kaya nabangga ang gilid ng van sa kasalubong na truck.

"Kasi yung driver nung malaking truck nakita na niya na swerving yung movement ng van na coming na, so what he did nag-apply siya ng break so medyo naka-stop na siya, yung van yung bumangga," ani Police Master Sgt. Rosita Mindac.

Ayon naman sa driver ng for hire na van, hindi na niya na kontrol ang minamaneho dahil sa madulas ang daan dala ng pag-ulan.

Ayon kay Adolf Aguilar, assistant school supt. ng bayawan division, ginagawa nila ang lahat para mapanagot ang dapat managot at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga estudyante.

Nag-abot na rin sila ng tulong sa mga pamilya ng mga estudyante.

"DepEd is in full force now. We're setting up a command center here trying to help the families in either to the fatalities or we try to assist also the survivors," aniya.

Posibleng humarap ang driver ng van sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, physical injury, and damage to property.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.