Away sa lupa, sinisilip sa ambush sa mag-asawa sa Antipolo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Away sa lupa, sinisilip sa ambush sa mag-asawa sa Antipolo

ABS-CBN News
Published Mar 01, 2018 03:30 PM PHT
|
Updated Dec 25, 2019 05:57 PM PHT

Away sa lupa ang tinitingnang motibo ng pulisya sa pananambang sa mag-asawang sakay ng SUV sa Antipolo alas-5:20 ng hapon Miyerkoles.

Sakay ng kotse ang mag-asawa at kanilang apo nang biglang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang lalaki habang papalagpas sa isang intersection.

Nagkarambola pa ang ilang mga sasakyan nang mawalan na ng kontrol ang binaril na biktima.

Dead-on-the spot ang mag-asawa habang nakaligtas naman ang kanilang apo.
Dead-on-the spot ang mag-asawa habang nakaligtas naman ang kanilang apo.
ADVERTISEMENT
Isa sa tinitingnang anggulo ng pulis ay away sa lupa dahil isang barangay administrator at presidente rin ng homeowners association ang lalaking biktima.

Ayon sa officer-in-charge ng Antipolo police na si Superintendent Serefin Petalio, matagal nang problema sa lugar ang mga away sa lupa.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at tinutugis na rin ang nakatakas na gunman.

--Ulat nina Jervis Manahan at Angel Movido, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT