Mga akusado sa Atimonan rubout, pinayagang magpiyansa | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga akusado sa Atimonan rubout, pinayagang magpiyansa

Maan Macapagal,
ABS-CBN News
Published Mar 01, 2017 05:36 PM PHT
|
Updated Mar 01, 2017 06:58 PM PHT

Matapos ang apat na taon, kinatigan na ng korte ang petition for bail ni Police Supt. Hansel Marantan at 10 iba pa na kinasuhan ng multiple murder kaugnay ng Atimonan Massacre.

Ayon kay Atty. Marwil Llasos, isa sa mga abugado ni Marantan, posibleng makalabas na ngayon si Marantan oras na lumabas na ang release order mula sa korte.

Paliwanag ni Llasos, non-bailable offense ang kasong multiple murder na isinampa ng Department of Justice (DOJ) sa kampo ni Marantan, pero maaari pa raw makapagpiyansa kung hindi makakapagpakita ng malakas na ebidensiya ang prosekusyon.

Sa kaso raw nina Marantan at iba pang akusado, nakita raw ng husgado na walang mabigat na ebidensiyang hawak ang DOJ kaya't iginawad ng korte ang petition for bail.

ADVERTISEMENT
Ayon pa kay Llasos, pinagbatayan daw ang mga testimonya na ipinrisinta ng prosekusyon na para sa kanila ay salu-salungat ang mga pahayag at hindi magkakatugma.

May butas din daw sa mga physical evidence na ipinrisinta ng prosekusyon.

Ayon pa kay Llasos, hindi rin daw masagot-sagot sa haba ng panahon na itinagal ng petition for bail hearing, kung 'sino ang unang pumutok, sino ang unang tinamaan, sino ang unang nabuwal'.

Iginigiit ng kampo ni Marantan na base sa ebidensiya, si Marantan ang unang tinamaan at siya ang unang nabuwal nang mangyari ang unang bugso ng putukan.