Bangkay ng college student na hinihinalang na-hazing, natagpuan sa Cavite | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bangkay ng college student na hinihinalang na-hazing, natagpuan sa Cavite

Bangkay ng college student na hinihinalang na-hazing, natagpuan sa Cavite

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 28, 2023 09:31 PM PHT

Clipboard

Photo credit Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Photo credit Jonathan Cellona, ABS-CBN News

(UPDATE) Natagpuan ngayong Martes sa Cavite ang bangkay ng isang college student na higit 1 linggo nang nawawala at hinihinalang nabiktima ng hazing.

Pebrero 20 nang dumulog sa Manila Police District si John Michael Salilig para i-report na 2 araw nang hindi ma-contact ang bunsong kapatid na si John Matthew.

Huli umano niyang nakausap ang bunso noong Pebrero 17 o Biyernes nang mapaalam ito na a-attend sa welcoming rites activity ng Tau Gamma Phi fraternity sa Laguna.

Natapos ang buong araw ng Linggo o Pebrero 19 pero walang natanggap na text o tawag mula kay Matthew. Hindi umano ito gaanong pinansin ng kaniyang mga kapatid dahil ugali ng biktima na maubusan ng baterya ang cellphone.

ADVERTISEMENT

Pero kinabukasan ay nag-alala na si Michael nang hindi pa rin magparamdam si Matthew, lalo't may usapan silang ihahatid ang ama sa airport pabalik ng Zamboanga.

Ayon naman sa isa pang kapatid na si Martin, nakatanggap siya ng mensahe mula sa hindi-kilala at tila dummy account sa social media ukol sa sinapit ng kapatid sa welcoming rites.

Watch more News on iWantTFC

Sa isang bus terminal sa Buendia, Pasay huling nakita umano ang share locator ng cellphone ni Matthew.

Sa pag-iimbestiga ng mga pulis, nakitang sa Biñan bumaba si Matthew kasama ang iba pang miyembro ng fraternity bago tumungo sa welcoming rites.

Natukoy ng mga awtoridad ang 18 suspek, na mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law.

Ayon sa isang suspek, hindi bababa sa 10 ang palo na tinamo ni Matthew sa initiation rites. Binawian umano ito ng buhay habang nakasakay sa SUV pagkatapos ng rites.

Sa isang pahayag ngayong Martes, kinumpirma ng Adamson University ang pagpanaw ng isang estudyanteng naiulat na nawawala, bagaman hindi na ito pinangalan.

Inihayag ng Adamson na nagsasagawa ito ng sariling imbestigasyon sa insidente at tiniyak na makikipag-ugnayan sa mga awtoridad kaugnay sa kaso.

Hinimok din ng Adamson ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng mga "unverified information" tungkol sa insidente.

— May ulat ni Jeff Caparas, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.