Nasa 900 ektarya ng kabundukan nasunog sa iba't ibang bahagi ng Benguet | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nasa 900 ektarya ng kabundukan nasunog sa iba't ibang bahagi ng Benguet

Nasa 900 ektarya ng kabundukan nasunog sa iba't ibang bahagi ng Benguet

Micaella Ilao,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 28, 2020 09:56 PM PHT

Clipboard


Tinatayang nasa 900 ektarya ng kabundukan ang nasunog sa iba't ibang bahagi ng Benguet, dahilan para makaapekto ito sa suplay ng tubig sa probinsiya.

Ngayong Enero hanggang Pebrero lang, 12 na ang naitalang insidente ng forest fire sa mga bayan ng Atok, Tublay, Kabayan, at Bokod.

Nasa 899.53 ektarya ng kagubatan ang nasunog, pinakamalaki sa Kabayan na higit 600 ektarya ang natupok.

Inabot nang halos 1 buwan bago tuluyang naapula ng mga bombero ang lahat ng forest fire sa Benguet.

ADVERTISEMENT

"Even during fire fight operation hindi nakakarating ang fire tucks natin even 'yung pinakamaliit kasi nga 'yung terrain eh di mo mapipigilan kung gaano kaluwang," ani Fire Officer 3 Leo Mendoza, fire arson investigator ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Benguet.

Tinatayang nasa higit P2 milyong ang halaga ng nasirang mga pine tree at saplings, ayon sa Provincial Environmental and Natural Resources Office (PENRO).

Sa imbestigasyon ng BFP at PENRO ay sinadyang sunugin ang mga bundok sa Benguet.

"Main reason ay kaingin and cattle raising. 'Yung intentional na sinusunog nila 'yung damo," ani Edgardo Flor, officer ng PENRO.

Ang problema, wala pang nahuhuling salarin.

Dahil sa sunog ay apektado na umano ang suplay ng tubig sa mga kalapit na bayan at probinsya tulad sa Pangasinan at La Union.

"Forest fire will definitely impact especially 'yung source of water," ani Flor.

Kapag magpatuloy pa ang sadyang pagsusunog sa kabundukan, mauubos ang puno at mababawasan din ang pinanggagalingan ng tubig sa mga bayan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.