Motorcycle rider patay, angkas sugatan matapos sumalpok sa jeep | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Motorcycle rider patay, angkas sugatan matapos sumalpok sa jeep

Motorcycle rider patay, angkas sugatan matapos sumalpok sa jeep

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 28, 2019 09:27 PM PHT

Clipboard

Patay ang isang motorcycle rider habang sugatan naman ang angkas nito nang sumalpok sila sa isang jeep sa Caloocan City noong Miyerkoles ng gabi.

Natagpuang nakahandusay at duguan sa Congressional Road sa Barangay 173-Congress, North Caloocan ang mga biktimang sina Ruiz Cordova at kinakasama niyang si Praise Jubill Sarto bandang alas-8 ng gabi.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Parehong walang suot na helmet ang dalawa.

Sumalpok sila sa isang jeep at tumilapon kaya nagtamo ng malulubhang sugat. Isinugod sa pagamutan ang dalawa ngunit hindi na umabot nang buhay si Cordova.

ADVERTISEMENT

"Nag-overshoot 'yung jeep at head-on collision 'yung nangyari, nabangga niya 'yung motor at tumilapon 'yung dalawa," sabi ni David Austria, opisyal ng barangay.

"Parehas silang mabilis at parang may iniwasan 'yung motor kaya medyo napagawi siya rito, tapos alanganin din 'yung way ng jeep," dagdag ni Austria.

Susunduin lang sana ni Cordova ang kinakasamang si Sarto mula sa eskuwelahan.

Kusang sumuko ang tsuper ng jeep na si John-John Guico makalipas ang apat na oras.

Giit niya, diretsong sumalubong sa kaniya ang motor kahit nasa tamang lane siya.

Nakikipag-ugnayan naman ang kampo ng tsuper ng jeep sa pamilya ng namatay at nasugatan para makipag-ayos.

—Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.