Naaagnas na bangkay ng babae natagpuan sa creek | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Naaagnas na bangkay ng babae natagpuan sa creek

Naaagnas na bangkay ng babae natagpuan sa creek

Denis Agcaoili,

ABS-CBN News

Clipboard

Naaagnas na ang bangkay ng isang babae nang matagpuan sa may creek sa Solsona-Apayao Road sa Ilocos Norte, Martes ng umaga. Larawan mula sa Solsona police

SOLSONA, Ilocos Norte – Naaagnas na ang bangkay ng isang babae nang matagpuan sa isang creek sa bayan na ito, Martes ng umaga.

Nadiskubre ang bangkay ng babae dahil sa masangsang na amoy sa creek na malapit sa Solsona-Apayao Road, Barangay Manalpac.

Hinihinalang nasa 50-anyos pataas ang babaeng may 4’6” hanggang 4’8” na taas at katamtamang pangangatawan. Nakasuot ito ng sweatshirt na may stripes at maong na shorts.

Posibleng ginahasa muna bago pinatay ang biktima dahil nakababa ang shorts nito hanggang tuhod nang matagpuan. May saksak ang babae sa tiyan, ayon kay Chief Inspector Gerardo Antonio, hepe ng Solsona police.

ADVERTISEMENT

Posibleng ilang araw nang patay ang biktima, ani Dr. Remelie Paguirian.

β€œIto kasing bangkay, may maggots na. Nagkakaroon ng maggots kung 3 to 7 days nang patay ang isang tao,” paliwanag niya.

Narekober ng mga awtoridad ang isang plastic bag na may lamang mga damit malapit sa creek.

Pagmamay-ari ng babae ang mga damit sa supot na dala niya nang huling makitang buhay sa lugar nitong Huwebes, sabi ng mga maintenance workers ng Department of Public Works and Highways na nagpipintura sa lugar.

"Habang nagpipinta kami ng center lane, dumaan ang babae. Tinanong namin siya kung saan pupunta. Sagot niya, bababa daw siya pero pataas naman ng kalsada," sabi ng trabahador na si Edison Prudenciano.

"Kung titingnan siya, normal naman pero 'pag nagsasalita parang may diperensiya sa pag-iiisip,” dagdag niya.

Inamin ng mga awtoridad na mahihirapan silang tukuyin ang salarin dahil walang testigo sa pamamaslang.

Pansamantala munang inilibing ang bangkay ng biktima sa Solsona Public Cemetery habang wala pang pamilya na kumikilala sa kanya.

Plano naman ng awtoridad na magtalaga ng pulis na magbabantay sa Solsona-Apayao Road, kadalasa itong dinadaanan ng mga gustong matanaw ang view mula sa bundok ng bayan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.