Gambian national, arestado dahil sa PDEA clearance fee scam | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Gambian national, arestado dahil sa PDEA clearance fee scam

ABS-CBN News
Published Mar 01, 2017 01:57 AM PHT

Arestado ang isang Gambian national matapos mahuli ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ginagamit umano ang kanilang ahensya sa pangingikil ng pera sa pamamagitan ng online money scam.

Nakilala ang suspek bilang si Yusupha Bayo, alias KC o Katchi, residente ng Banjul, Gambia sa West Africa.

Ayon sa pulisya, dakong ala-1:30 ng hapon Martes nang mahuli si Bayo na kumukuha ng pera na ipinadala ng PDEA sa isang remittance center sa Almanza Metropolis Condominium, Manila Doctor’s Village, Las Pinas.

Nakuha mula sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng isang parisukat na tabletas na pinaghihinalaang iligal na droga, at isang mobile phone.

Kung malamang bawal na gamot ang tabletas ay haharap sa kasong possession of dangerous drugs si Bayo, maliban sa mga bintang ng identity theft at usurpation of authority.

Panawagan ng PDEA, huwag maniwala sa mga taong nanghihingi ng pera para umano sa kanilang ahensya, dahil hindi sila nangongolekta ng kahit anumang clearance fee, tulad ng ginagawa ni Bayo.

Babala ng ahensya, ang mga cybercriminal ay gumagamit ng mga kilalang pangalan, pati na ng mga ahensya ng gobyerno, upang mapapaniwala ang kanilang mga biktima.