Bata nalunod sa dagat sa Leyte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bata nalunod sa dagat sa Leyte

Bata nalunod sa dagat sa Leyte

Ranulfo Docdocan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 27, 2020 04:04 AM PHT

Clipboard

Kuha ng MDRRMO Tolosa

TOLOSA, Leyte - Nalunod ang isang 12-anyos na batang lalaki habang naliligo sa dagat sa Barangay San Roque sa bayan na ito Martes ng hapon.

Sa impormasyon ng Leyte Police Provincial Office, ang biktima, kasama ang kaniyang dalawang kaibigan, ay naliligo sa dagat nang maabutan siya ng malalaking alon.

Nakita siyang humihingi ng tulong ngunit hindi siya nailigtas.

Miyerkoles ng umaga nakita ang bangkay ng bata sa dalampasigan sa Barangay Telegrapo sa Tolosa na wala nang damit pang-itaas.

ADVERTISEMENT

Kinumpirma ng municipal health officer ng Tolosa ang pagkalunod ng bata.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.