Agoncillo LGU, naka-alerto sa gitna ng ‘moderate steaming’ sa Bulkang Taal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Agoncillo LGU, naka-alerto sa gitna ng ‘moderate steaming’ sa Bulkang Taal

Jonathan Magistrado,
ABS-CBN News
Published Feb 27, 2020 01:10 AM PHT

AGONCILLO, Batangas — Mahigpit ngayong nagmo-monitor ang lokal na pamahalaan ng Agoncillo kasunod ng namataang muling pagbubuga ng usok ng Bulkang Taal na umaabot sa 200 hanggang 300 metro ang taas Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Mayor Daniel Reyes, nakaalerto na ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Agoncillo habang naghihintay ng update mula sa Phivolcs.

Bagama't may report na may ilan-ilang residente na ng Barangay Bilibinwang ang lumikas, wala pa naman umanong report sa kaniya ang punong barangay tungkol dito.

Sa kabila nito, naka-standby na umano ang mga rescue vehicle ng lokal na pamahalaan sakaling kailanganing lumikas ang mga residente ng Agoncillo na sakop ng 7-kilometer radius danger zone.