Lalaki patay sa pamamaril sa Silay City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki patay sa pamamaril sa Silay City

Lalaki patay sa pamamaril sa Silay City

Martian Muyco,

ABS-CBN News

Clipboard

SILAY CITY - Patay ang isang lalaki at sugatan naman ang kaniyang pamangkin matapos barilin ng hindi pa kilalang mga salarin Martes ng madaling araw sa Barangay Bagtic sa lungsod na ito.

Sa imbestigasyon ng Silay City Police, mula sa sabungan at pauwi na ang mag-tiyuhin sakay ng motorsiklo nang sundan umano ng mga salarin na nakasakay rin sa motorsiklo.

Ayon sa pulisya, posibleng huminto at bumaba sa motorsiklo ang tiyuhin na si Rodolfo Bantad at hinarap ang sumusunod sa kanila.

Nauwi sa pamamaril ang sagutan sa pagitan nina Bantad at ng salarin.

ADVERTISEMENT

Sinubukan namang tumakas ng pamangkin niyang si Argie Ricabal pero binaril din ito ng dalawang salarin.

Patay na nang dumating sa ospital si Bantad habang patuloy namang ginagamot si Ricabal.

Sinasabing may kinalaman sa isang kaso ng panggagahasa ang anak ni Bantad at isa ito sa mga motibong tinitingnan ng pulisya sa nangyaring krimen.

Mayroon rin umanong warrant of arrest para sa kasong rape ang anak ni Bantad.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.