2 'pekeng PDEA,' arestado; pero 'confidential agents' daw sila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 'pekeng PDEA,' arestado; pero 'confidential agents' daw sila

ABS-CBN News
Published Feb 27, 2018 06:49 PM PHT
|
Updated Dec 13, 2019 05:40 PM PHT

Arestado ang dalawang lalaking nagpanggap umanong tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa Parañaque police, una nilang tinugis ang isa sa mga suspek na si Jhay-ar Repana matapos umano niyang makipagbarilan sa Sucat.

Hinabol nila ang sasakyan ni Repana hanggang umabot ito sa Santa Rosa, Laguna kung saan nila nasukol ang suspek.

Nang sitahin si Repana sa sasakyan, doon na umano tumambad sa mga pulis ang mga sachet ng shabu at isang I.D. ng PDEA.

ADVERTISEMENT
Inaresto din ng pulis ang kasama ni Repana na nakilalang si Joseph Borjal na tinangka umanong umareglo sa mga pulis.

Sa unang tingin din, aakalaing awtoridad ang may-ari ng SUV na gamit ng mga suspek.

May nakakabit kasing sirena at blinker sa sasakyan.

Nababahala ang pulisya dahil hindi ito ang unang beses na nasangkot ang mga nagpakilalang ahente ng PDEA sa mga insidente ng krimen.

Noong Pebrero 4 at 18, nakuhanan sa CCTV sa Taguig ang pagdukot ng armadong grupong suot ang PDEA uniform sa tatlong kabataan.

Napag-alaman kalaunan na kinikilan pala ang tatlong kabataan.

Inaalam na ngayon kung miyembro sina Repana at Borjal ng nasabing grupo.

Pero giit naman ni Repana, totoong confidential agent sila ng PDEA ni Borjal.

Tinambangan din daw sila ng isa pang grupo kaya sila kumakarapas palabas ng Metro Manila.

Hindi nga raw alam ng mga suspek kung bakit sila biglang hinuli ng mga pulis.
Hindi nga raw alam ng mga suspek kung bakit sila biglang hinuli ng mga pulis.
ADVERTISEMENT
At siya daw ang unang tinambangan ng isa pang grupo kaya siya tumakbo.

Sinampahan na ng kasong illegal possession of firearms and ammunition, illegal drugs, at usurpation of authority ang dalawang suspek.

Iniimbestigahan na rin ng PDEA ang insidente.

-- Ulat ni Raffy Santos ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
Raffy Santos
balita
police ops
hot pursuit
Philippine Drug Enforcement Agency
PDEA
drugs
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT