Mga 'impostor' ng PDEA na nangingikil, tukoy na | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga 'impostor' ng PDEA na nangingikil, tukoy na

Mga 'impostor' ng PDEA na nangingikil, tukoy na

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 18, 2019 03:23 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tukoy na ng Taguig City Police ang pagkakakilanlan ng mga armadong grupong nakuhanan sa CCTV na nakauniporme ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at nangingikil sa Taguig City nitong Pebrero.

Ito'y matapos lumutang ang nagpakilalang may-ari ng pick-up na nabawi ng Philippine National Police (PNP) mula sa grupo na naglalaman ng mga baril, radyo, posas, at mga pekeng pera.

Ayon kay Senior Superintendent Alexander Santos, hepe ng Taguig City PNP, hiniram umano ng drayber ng may-ari ang sasakyan.

Dagdag pa ng pulisya, ang itim na SUV na nakitang gamit ng grupo ay pagmamay-ari naman umano ng kanyang kapatid.

ADVERTISEMENT

Paniwala ng pulisya, hindi lehitimong miyembro ng PDEA ang grupo, kundi isang robbery-holdup group na nagpapanggap na ahente gamit ang uniporme ng ahensiya.

Inaalam naman ng pulisya kung sangkot din ang grupo sa iba pang insidente ng pandurukot sa ibang lugar.

Pinag-iingat ng pulisya ang lahat sa modus ng grupo, lalo't armado ang mga ito.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang PNP sa PDEA na nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon sa insidente.

Inaalam din kung may koneksiyon ang grupo sa pagpaslang sa isang pulis sa Pasig City noong Pebrero 15.

Base kasi sa tala ng Land Transportation Office, iniimbestigahan din ng yumaong pulis ang itim na SUV na gamit ng grupo bago ito tambangan sa isang motel.

--Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.